|
Ang bilis ng panahon! September na nga! Lapit na ang Christmas. Isip na ko ng gifts na aking pamimigay sa aking love ones. Buti na lang rin at nabawasan na ng isa kasi la na ko bf. Hehe! Di na ko ganun kalungkot. Lagi nga ko may kasama para maaliw. May katextmate at kachat pa ko para di naman boring ang buhay. Haha! Lumalabas rin ako at kumakain sa labas. Nililibang ko sarili ko at di na ko nagmumukmok sa gilid na parang pasan ko ang daigdig. Nanood kami ng Little Man ni Donna last week. Feel good movie. Sa DVD naman, dami ko napanood. My Super Ex Girlfriend, The Devil Wear Prada, etc. Pero ang pinakaayoko ay ang movie na The Break Up kasi malungkot at nasad rin ako for a moment kasi nakarelate ako ng konti. Bar exam na nila this month. Text naman kami once in a while pero di na everyday lalo na at di na sya nakaglobe. Nawala daw ang sim. But I think, intentional na rin para di na nya ko makatext. Well, buti na lang ay I have my pride, I will not cry. Hehe! Malaki ang problema naman ngayon ng family ko pero masyadong personal para iannounce ko pa dito sa aking live diary. Sana lang ay masolve within the year ang aming problem. Stress na aking parents and no matter how much I wanted to help, di pa rin enough dahil di ko rin kaya. On the lighter note, natapos ko na nga yun Harry Potter book series kaya ibang series naman ang basa ko ngayon. Gusto ko nga bilhin yun A Series of Unfortunate Events kaso di ko pa lam kung worth it na investment sya. I'll ask around first. So far, ganda rin naman ang binabasa ko ngayon na Dee Henderson series. Meron rin ako on he side na Why Men Love Bitches. kakaaliw ang perception ng author. Fun read din. So sa dami ng pinagkakaabalahan ko, gusto ko at the end of the day, I have no time to think about negative things. Basta I just need to prepare for Christmas para maging masaya rin ito sa aking family. |
| Leave a Comment: |